Sabi ni Melvin, ma-mimickup daw siya at ako daw ang aaksyon. Eh di tinanong ko siya kung magkano, at kung anong gagawin ko. Sabi ni Melvin, mayroon daw 700 pesos lang, at meron din isang libo kung magbigay solve na daw ako. Bale sa mumurahing hotel nalang daw namin bitbitin yung mga mapipick-up namin para makatipid. Um-oo nalang ako sa kanya, dahil sagot naman nya ang lahat ng babayaran. Di naman ako papayag kung gagastos ako ah!
Melvin : Ano ba, mura na yun! Tsaka okay naman tong mga to eh. Malilinis yan.
Me : Bakla, tried and tested? Suki ka dito bah?
Melvin : Di naman masyado. keri lang!
Me : Okay. Sabi mo eh.
Melvin : Word of advice lang, always use protection ha, alam mo naman ang balita tungkol sa aids ngayon diba?! (Baklang to, matapos sabihin na malilinis, tatakutin ako bigla). And wag ka papauto sa mga kwento nila. Pare-pareho mga kwento nyan bakit nila ginagawa yung ganyang trabaho.
Me: Ano bang kwento nila?
Melvin : Pera lagi, pinag aaral ang kafatid. Financial problems. Gustong mag-aral chorva, may sakit yung mudra ketch. Wag kang bibigay, at lalong wag kang magbibigay ng dagdag sa ibabayad natin ha. gumamit ng utak huwag ang libog!
Me : Uhm. Okay. Sige, bahala na.
So, pumunta na nga kami. Habang papunta kami dun sa place na yun, naalala ko yung napag usapan namin ng mga kaibigan kong baklush noon, yung tipong rerenta ka ng lalake, para lang makipag-kwentuhan. So, dahil mapera naman ng kaibigan ko ang gagastusin niya, ganun nga ang plano ko.
Pagdating naman sa place, ang daming tao. Bakla. Lalake. Bakla. Lalake. Panget. Hipon, Hot and mga Yummy.
Melvin : Halika, papakilala kita dun sa isa.
Lumapit kami dun sa isang lalake. Gwapo. Type ko. Hot ang katawan. maskulado.
Melvin : Andy, meet my friend. (Sabay bulong, na narinig ko naman.. “first timer”)
Nakipag-shake hands ako.
Napangiti itong si Andy.
Dumating din yung kasama ni Andy, di ko maalala yung name eh.
So lumabas na kami dun sa meeting place, at nagpunta sa isang motmot (motel). Tig isang room ang kinuha ni Melvin. Madaming pera ang bakla. Kasama ko sa room yung si Andy. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Pwede itong ipakilala kay Pudra at Mudra. Boyfriend material ang dating niya.
Andy : Oh, wala kang imik dyan.
Me : Nahihiya lang ako. Real name mo ang Andy?
Andy : Nope.
Me : So anong real name mo?
Andy : Sus! Di ko naman inalam buong pangalan mo ah. Tara na!
Me : Wait! (natataranta na ako) Nagaaral ka pa?
Andy : Oo. Nag-stop lang ako. Mahal kasi mag-aral ngayon diba? Hubad ka na!
Me : Matagal mo na bang ginagawa to?
Andy : Wag mo nang sayangin oras mo. Sayang! Wag ka na masyado matanong.
Me : Last na, tapos game na. Matagal ka na sa ganyang trabaho?
Andy : Matagal-tagal na din. Bakit ganun kayong mga nakikilala ko, ang dami laging tanong, pare-pareho lang naman. Anong pangalan ko, saan ako nakatira, nagaaral ba ako.
Me : Wala lang, ayaw mo nun. Makikilala natin isa’t-isa ng mabuti.
Andy : Bakit? Kailangan ba yun?
Me : Hindi naman. Malay mo magkita tayo sa mga susunod pang araw. Atleast may background tayo sa isa’t-isa.
Andy : Ayaw mo ba mag start?
Me : Wag nalang. Ayaw ko naman talaga nito, yung isa kong lang kaibigan ang mapilit eh. Don’t worry di na ako magtatanong, concern na tao lang ako.
Andy : Concern? HAHAHA! Ngayon lang tayo nagkakilala diba? Pano mo nasabing concern ka. Bigyan mo akong pera, pag aralin mo ako, kung talagang concern ka sa akin.
Di na ako nagsalita, binigay ko nalang yung napag usapan. 500pesos din yun. Sayang! Pero okay lang. At least di na siya napagod, kumita pa siya. Sayang trip ko panaman siya, kaya lang di ko feel balahurain eh. HAHAHA!
Habang inaantay ko si Melvin sa labas. Nagyosi muna ako.
Dumating na si Melvin, naparang di makalakad ng maayos. Parang natae, at todo smile ang loka-loka. Mukhang solved!
Melvin : Oh bakla. Ano ka na?
Me : Okay lang. Nakipagkwentuhan lang.
Melvin : Di naman toh nakikinig sa akin ah. Sigurado akong nagsabi sayo ng problema yan. Pera nanaman noh?
Me : Oo.
Melvin : Haay..
Me : Gaga! Bago lang sa akin toh..
Nilibre nalang ako ni Melvin. Kumain kami. Unti-unti ko rin narealize na madaming kwento na hindi dapat paniwalaan. Tama din si Andy na huwag na ako magtanong ng kung anek-anek. Sa huli, naisip ko na sana eh bumonggang booking nalang ako kesa nakipagchikahan ng walang ka kwenta-kwentang bagay.
Naalala ko ang sinabi sa akin ng isa kong kaibigang bakla.. Never daw siyang makikipagboyfriend sa lalakeng pera lang ang habol sa kanya. Kapag nagsimula nang manghinge, goodbye na agad. Bilib ako sa kaibigan kong ito, mahirap yun sa isang relasyon na katulad ng sa amin. Mahirap. Mahirap makatagpo ng lalakeng pipiliin ang pagmamahal kesa ang pera. Hindi ko naman nilalahat ang mga lalake, pero let’s face the reality, ganun talaga siya. Ganun ang patakaran. Kapag wala ka ng datung, goodbye boylet. Si boylet lipat sa ma-datung na bakla. Masakit na katotohanan, kailangan tanggapin.
MAGKANO ANG DANGAL NG LALAKENG NAKILALA MO?
Main Blog LIKE US ON FACEBOOK FOLLOW US ON TWITTER:
0 comments:
Post a Comment